Naulol sa kagat ng aso: Sekyu nag-amok, 2 kabaro tinodas
December 13, 2003 | 12:00am
Dalawa ang patay habang dalawa naman ang nasa kritikal na kondisyon kabilang ang security guard na nag-amok at nang-hostage makaraang maulol ito sa kagat ng aso sa Cainta, Rizal kahapon ng tanghali.
Dead on the spot ang mga biktimang sina Francel Gonzales, 21 at Arturo Idos Jr., 25, na kapwa nagtamo ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan at tama ng bala ng baril sa ulo na pawang mga security guard ng Variance Security Agency.
Kasalukuyang nasa kritikal namang kondisyon sa Amang Rodriguez Medical Center si Annamarie Maderca, nobya ni Gonzales dahil sa saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan, at ang suspek na si Emmanuel Ordenisa, 41, na binugbog ng taumbayan.
Nakaligtas naman sa kapahamakan ang isa pang biktima ng hostage na si Jimmy Pontabla, 39, drayber.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Salvador, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali sa loob ng inuupahang bahay ng mga sekyu sa Pablo dela Cruz Compound, Country Homes Subdivision Brgy. Sto. Domingo ng bayang ito ng bigla na lamang magwala ang suspek hawak ang kutsilyo.
Inawat ito ni Gonzales subalit bigla na lang itong pinagsasaksak ng suspek. Agad namang dumalo sa kaguluhan si Idos Jr. hawak ang baril subalit pinagsasaksak din ito ni Ordenisa, sabay agaw ng baril ni Idos at pinaputukan sa ulo, matapos ang pamamaril ay binalingan naman nito si Maderca na pinagsasaksak din sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang insidente ay nagtatakbo sa labas ng bahay ang suspek subalit hinarang ito ng mga taumbayan na nakasaksi sa insidente at pinagbubugbog ito, nagawa namang makaalpas ng suspek at hinostage ang naglalakad na si Pontabla na tinutukan niya ng baril at kutsilyo.
Nakakuha naman ng pagkakataon ang mga taumbayan na malingat ang suspek at pinagpapalo at pinagsusuntok nila ito.
Napag-alaman ng pulisya na posible umanong naulol ang suspek dahil nakagat pala ito ng aso noong nakaraang Disyembre 5 at anim na beses nang nagpaturok sa San Lazaro Hospital. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest