^

Probinsiya

3 miyembro ng MILF nasawi sa labanan

-
CAMP AGUINALDO – Tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command ang napaslang samantalang apat namang sundalo ang nasugatan matapos ang madugong sagupaan sa bayan ng Sirawi, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Sa nakalap na ulat kahapon sa tanggapan ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, kasalukuyan pang beneberipika ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde matapos na wala kahit isang identification card na nakuha sa bangkay ng mga ito.

Kinilala naman ang mga nasugatang sundalo na sina 2nd Lt. Roberto Reyes, namuno sa Alpha Company ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB) na nakasagupa ng mga rebeldeng Muslim at ang tatlo pa nitong tauhan na sina Sgt. Marcelino Sumanal, Cpl. Rizaldo Tumacas at Pfc. Akmad Hadjin.

Sa ulat ni 1st Infantry Division (ID) Commander, Major Gen. Trifonio Salazar, bandang alas-9 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar sa Sitio Lukungan, Brgy. Panacutan, Sirawi ng nasabing lalawigan nang matisod ang kampo ng rebeldeng grupo.

Agad namang sinalubong ang tropa ng pamahalaan nang magpaulan ng putok ang mga rebelde na nauwi sa engkuwentro na tumagal ng 20 minuto bago tuluyang nagsiatras ang mga kalaban.

Nadiskubre sa lugar ang 50 bunkers na maaaring pagkasyahan ng 80-katao habang narekober din ang 300 rounds ng bala para sa M16 rifle, 500 rounds ng bala ng M14 rifle, 200 rounds ng bala ng calibre 30 M1 garand rifle at mga subersibong dokumento.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa iba pang nakatakas na mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

AKMAD HADJIN

ALPHA COMPANY

ARMY CHIEF MAJOR GEN

EFREN ABU

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

LOST COMMAND

MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with