^

Probinsiya

Treasure hunter pinaslang ng NPA rebels

-
Camp Aguinaldo – Dahilan sa kabiguang magbigay ng ‘permit to hunting fees’ pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan ang isang treasure hunter na malubha ring ikinasugat ng kapatid nito habang isa pa ang masuwerteng nakatakas sa naganap na karahasan sa Palauig, Zambales, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Dead on the spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Ramil Misal at sugatan naman ang kaniyang kapatid na si Ronnie. Nakilala naman ang kasamahan ng mga itong hunter na mabilis na nakatakas na si Jun Echipare.

Batay sa ulat ng tanggapan ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa magubat at bulubunduking bahagi ng Bungao, Brgy. Pangolingan, Palauig ng lalawigang ito.

Nabatid na nasa kahimbingan ng pagtulog ang mga biktima sa loob ng ginawa ng mga itong tent matapos na mapagod sa paghahanap ng mina ng ginto sa nasabing kagubatan nang gisingin ng mga armadong rebelde na agad ang mga itong pinalibutan.

Hinihingan umano ng kabayaran ng mga rebelde ang mga biktima sa paghahanap ng mga ito ng kayamanan sa nasabing kagubatan at ng wala ang mga itong maibigay ay pinaalis matapos na ilang oras na pigilan hanggang sa paiwan ang isa sa mga behikulo ng mga ito.

Gayunman habang papaalis na ang mga biktima ay pinagbabaril ang mga ito ng isa sa mga rebelde gamit ang isang mahabang armas. Narekober naman ng mga elemento ng Army’s 24th Infantry Battalion (IB) ang sasakyan ng mga biktima at mga kagamitan sa pagmimina sa isinagawang operasyon sa lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY CHIEF MAJOR GEN

BATAY

CAMP AGUINALDO

EFREN ABU

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

JUN ECHIPARE

PALAUIG

RAMIL MISAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with