^

Probinsiya

Lolo tinodas ng magnanakaw

-
CAVITE – Binaril at napatay ang isang 78-anyos na lolo ng hindi kilalang magnanakaw makaraang pasukin sa sariling bahay ang biktima sa Barangay De las Alas, General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Medicare Community Hospital si Domingo Buco ng Block 16 Lot 10 ng nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9 ng gabi ng umalingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa loob ng bahay ng biktima. Nang tunguhin ng mga kapitbahay ang kinaroroonan ng biktima ay bumulaga ang duguang matanda at naghihingalo. Kasabay na namataang tumatakas ang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang nanikwat ng mga alahas at pera ng matanda. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY DE

BINARIL

CAVITE

CRISTINA G

DOMINGO BUCO

GENERAL MARIANO ALVAREZ

IDINEKLARANG

KASABAY

MEDICARE COMMUNITY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with