Sayyaf lider natimbog
October 8, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nalambat ng mga tauhan ng militar ang isa sa kasapi ng teroristang Abu Sayyaf na pinaniniwalaang may patong sa ulong P.350 milyon habang gumagala sa General Santos City noong Lunes ng umaga.
Ginagamot ngayon sa General Santos City Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa paa si Yusop Tadah na may apat na kasong kidnapping at illegal detention na pinaniniwalaang malapit na tauhan ni Nadzmie Saabdulla, alyas Commander Global na nadakip din ng mga awtoridad kamakailan.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, namataan ng mga operatiba ng Naval Intelligence Security Force, Marine Intelligence at mga pulis-General Santos City si Tadah na nagmamaneho ng kulay pulang traysikel sa kahabaan ng J. Catolico Avenue.
Ayon pa sa ulat, nagtangkang tumakas ni Tadah nang mamataan niyang papalapit sa kanya ang mga awtoridad kaya napuwersang barilin siya sa kaliwang paa.
Si Tadah na pinaniniwalaang lider sa sunud-sunod na kidnapping sa Southern Mindanao ay ika-5 kasapi ng Abu Sayyaf na nasukol ng militar sa nakalipas na tatlong buwan.
Gayunman, sumailalim na sa masusing tactical interrogation si Tadah sa himpilan ng Naval Forces-Western Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest