Drug bust sa kulungan ng Olongapo City
September 15, 2003 | 12:00am
OLONGAPO CITY Nabulgar ang talamak na bentahan at gamitan ng droga sa ilang mga preso sa loob mismo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos na salakayin at pasukin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 (PDEA-3) na nagresulta sa pagkakakumpiska ng ibat ibang uri ng droga kamakalawa ng umaga.
Sa isinumiteng ulat ni P/Sr. Insp. Rogelio S. Devera, PDEA team leader-group 2 kay PDEA Deputy Director Anselmo Avenido Jr., dakong alas-9 ng umaga nang magsagawa ng pagsalakay sa mga selda ng BJMP sa naturang lungsod.
Gamit ang drug-sniffing dogs ay sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang mga selda ng mga preso at dito narekober ang hindi pa nabatid na bilang ng gramo ng shabu, ibat ibang mga drug paraphernalia, pinatuyong dahon ng marijuana.
Kabilang sa mga seldang pinasok ay ang detention cell number 1, 3, 4, 6 at 9 kung saan dito naglulugar ang grupong Bahala na Gang, Sigue-sigue command at Sputnik na may kabuuang 45 preso, partikular sa selda ng kilalang kilabot na Bonilla group na kilalang sindikato ng bawal na droga.
Idinagdag pa ng opisyal na wala sa kanyang puwesto si Olongapo City BJMP jailwarden Sr. Insp. Ambrocio B. Ambulan nang isagawa ang pagsalakay sa nasasakupang kulungan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest