^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Rapist nagbigti sa selda
DIFFUN, Quirino – Sa takot na mabitay dahil sa isinampang kasong rape ay nagdesisyong magpakamatay ang isang 52-anyos na lalaki sa loob ng kulungan ng Diffun police station.

Kinilala ni Police Chief Inspector Bernardo Baui, hepe ng nasabing bayan ang nag-suicide na si Isabelo Hermoso ng Barangay Aurora West sa bayang nabanggit.

Si Hermoso ay nakulong dahil sa reklamo ng isang 17-anyos na babae na pinaniniwalaang hinalay ng akusado noong Hulyo 27, 2003 matapos na malasing sa pakikipag-inuman ng alak. (Ulat ni Victor P. Martin)
P.3M kargamento hinaydyak
NUEVA ECIJA – Aabot sa P.3 milyong kargamento na lulan ng trak ang iniulat na hinaydyak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Barangay San Pascual, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw.

Walang nagawa ang drayber ng trak (WPC-405) na si Renato Clemencia at mga pahinanteng sina Ariel Trinidad, Federico Cabuyabon at Rico dela Cruz kundi ang sumunod sa utos ng mga armadong lalaki, ayon kay P/Chief Insp. Sidney Villaflor, police chief ng naturang bayan.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang iparada ng mga biktima ang trak na may lulang biskuwit para magpahinga pero sinamantala naman ng mga mandurugas sakay ng kulay berdeng van. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Trader tinodas ng katulong
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagpapalo hanggang sa mapatay ang isang biyudong negosyante ng kanyang katulong na lalaki saka pinagnakawan ng malaking halaga sa sariling bahay sa Barangay Pating, Masbate City kahapon ng madaling-araw, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng kanyang anak ay nakilalang si Felicisimo Aguilar, samantalang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala lamang sa alyas na Joel.

May teorya ang mga imbestigador na sinamantalang natutulog ang biktima saka isinagawa ang pamamaslang dahil nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay na pinaniniwalaang hinalughog ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ARIEL TRINIDAD

BARANGAY AURORA WEST

BARANGAY PATING

BARANGAY SAN PASCUAL

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

ED CASULLA

FEDERICO CABUYABON

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with