Church auditor nakaligtas sa ambush
September 1, 2003 | 12:00am
BUTUAN CITY nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang auditor ng Seventh-Day Adventist Church matapos na ambusin sa harap ng sariling bahay ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihang naka-motorsiklo sa 4th Street, Guingona Subd. ng nasabing lungsod noong Biyernes ng gabi, Agosto 29, 2003.
Ang biktimang tinamaan sa kanang bahagi ng katawan ay nakilalang si Russ Alfeche Dawis, 39, may asawa ng nasabing lugar sa Caraga Region.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Dawis ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang nakamotorsiklo at agad na nagpaputok.
Agad na tumakas ang dalawa matapos na matunugang nagresponde ang mga kaanak ni Dawis para dalhin ang biktima sa ospital.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago pa maganap ang pananambang ay kasalukuyang nagsasagawa ng auditing ang biktima sa pondo ng nasabing simbahan. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest