SULYAP BALITA
August 12, 2003 | 12:00am
Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Romulo Bueno, 49, binata ng Barangay Bombon, Tabaco City, Albay matapos na pumalag sa mga holdaper ng cellphone sa ikalawang palapag ng Tabaco Supermarket kamakalawa.
Samantala, isa namang negosyante na nakilalang si Reynaldo dela Fuente, 44, may asawa, ang tinodas ng tatlong holdaper na nakabisikleta sa Barangay Panapaan I, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat nina Ed Casulla at Cristina G. Timbang)
Ang pugante na muling ikinulong sa Roxas municipal jail ay nakilalang si Jose Villarobe Jr. at may nakabinbin ding kaso ng panununog.
Hindi naman nabatid ng mga sundalo kung papaano nakapuga si Villarobe Jr. sa kanyang selda. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
Ang biktima na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan ay nakilalang si Freddie Cardo Romero, may asawa, samantalang tumakas naman ang suspek na si Angelito, 42 na kapwa residente ng nasabing barangay.
May palagay ang pulisya na matinding galit ang umiral kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)
Kapwa tumilapon ang mga biktimang sina Donato Madarang, 19 ng Barangay Poblacion East at Reggie Cacatian, 29 ng Barangay Poblacion Norte.
Sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas10:30 ng umaga matapos na magsalubong ang trike (RM-9067) at motorsiklong walang plaka. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest