^

Probinsiya

Ex-WPD arestado sa shabu

-
BAMBANG, Nueva Vizcaya – Isang dating pulis-Maynila ang inaresto makaraang makumpiskahan ng 2.3 gramo ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Buag ng bayang ito noong Martes, Agosto 5, 2003.

Ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si PO3 John Lee Santos, 38, dating miyembro ng Western Police District (WPD) at residente ng nabanggit na barangay.

Sa naantalang ulat ni Police Chief Inspector Dionisio De Guzman, police chief sa bayang ito, ang pagkakadakip kay Santos ay bunsod ng search warrant na ipinalabas ni Judge Tranquilino Ramos ng Municipal Trial Court. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)
3 timbog sa nakaw na kable
MARILAO, Bulacan – Tatlong tinedyer ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang maaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente sa Town and Country North Executive Village sa Barangay Abangan Norte ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang tatlong suspek na sina Jonathan Evangelista, 18; Arnold Zabala, 18 at Patrick dela Rosa, 19 na pawang residente ng Barangay Abangan Sur ng nasabing bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)
5 MILF sumuko sa militar
CAMP AGUINALDO – Hindi pa nagsisimula ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagawang sumuko ng limang MILF sa 30th Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa Kampo Ranao, Marawi City kamakalawa.

Kabilang sa nagsisuko ay sina Safrollah Ampaso, alyas SAF; Manogancar Zaman, alyas Ali; Calipa Canor, Sultan Macalawi at Undan Sadic.

Ang mga nagsisukong rebelde ay tauhan ni MILF Commander Lito ng Bangsa Moro Internal Security Force at sumailalim na sa tactical interrogation. (Ulat ni Joy Cantos)
Umbagerong barbero tinodas
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Sinaksak at napatay ang isang 29-anyos na barbero ng kanyang live-in partner makaraang sampalin ng una ang karelasyon sa Barangay Pasong Buwaya 2, Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Francisco Berog matapos na saksakin ng kanyang live-in partner na si Genalyn Remicillo, 29 na agad namang inaresto ng pulisya.

Ayon kay PO1 Jude Camitan, nairita ang suspek sa senglot na biktima matapos na siya ay gisingin at gulpihin kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ARNOLD ZABALA

BANGSA MORO INTERNAL SECURITY FORCE

BARANGAY ABANGAN NORTE

BARANGAY ABANGAN SUR

BARANGAY BUAG

BARANGAY PASONG BUWAYA

CALIPA CANOR

CAVITE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with