^

Probinsiya

Koronadal bomber naaresto

-
CAMP AGUINALDO – Isa sa tatlong nagpasabog sa pamilihang bayan ng Koronadal na pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang dragnet operation.

Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso sa Koronadal Regional Trial Court si Edu Mangudadatu, 23, dating estudyante ng Tandang National High School at residente ng Dungguan, Lutayan, Sultan Kudarat.

Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, inamin ni Mangudadatu na dati siyang kasapi ng MILF at napilitang kumalas dahil sa demoralisasyong umiiral sa hanay ng mga rebelde.

Magugunita na pinasabog ang Koronadal market noong Hulyo 10, 2003 na ikinasawi ng tatlo-katao at ikinasugat naman ng 28 na pinalalagay na MILF ang nasa likod. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

DUNGGUAN

EDU MANGUDADATU

HULYO

ISA

JOY CANTOS

KORONADAL

KORONADAL REGIONAL TRIAL COURT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SULTAN KUDARAT

TANDANG NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with