^

Probinsiya

Mag-utol pinatay dahil sa matinding galit

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Nagbunga ng kamatayan ang kinikimkim na matinding galit ng isang 50-anyos na lalaki makaraang saksakin nito ang magkapatid sa Barangay Burol, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Magkasunod na bumulagta ang mag-utol na sina Edilberto Lorenzo, 26, at Barwin Lorenzo, 21, na kapwa residente ng Block 23 ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na agad namang tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang si Jolito Buenaflor Pimentel, 50, may asawa, electrician at naninirahan sa Block 14 Lot 18, Barangay Burol 1 ng nasabing lugar.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Valero Bueno, namataan ng suspek na nagtatalo ang magkapatid malapit sa kanilang bahay.

Agad na nilapitan ng suspek ang mag-utol at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kapwa inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman ng pulisya na nakaaway ng mag-utol ang kapatid na lalaki ng suspek kaya nagtanim ng galit at pinalalagay na nakatiyempong isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BARANGAY BUROL

BARWIN LORENZO

CAVITE

CRISTINA G

DASMARI

EDILBERTO LORENZO

JOLITO BUENAFLOR PIMENTEL

MAGKASUNOD

NAGBUNGA

VALERO BUENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with