4-katao tiklo sa 8 karnap
June 23, 2003 | 12:00am
PULILAN, Bulacan Apat na kalalakihan na pawang kasapi ng sindikato ng karnaping ang iniulat na inaresto makaraang salakayin ng mga tauhan ng Bulacan PNP Traffic Management Group (TMG) ang bodega na naglalaman ng mga kinarnap na sasakyan sa Barangay Lumbak sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Ang apat na suspek na inabutan pa ng pulisya na kinakatay ang kinarnap na kotse ay nakilalang sina Ariel Feliciano, 23; Vicente Marsilungan, 28 na kapwa residente ng Barangay Kapalangan, Apalit, Pampanga; Leonardo Gopez, 26 at kapatid nitong si Levi, 25, may asawa na kapwa naninirahan sa Barangay Pulong Maragol, Angeles City.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang bodega ng mga karnaper ay may 100 metro lamang ang layo mula sa himpilan ng pulisya ng nasabing bayan.
Narekober naman sa bodega ang 3 kotseng Nissan Sentra, 2 Toyota Tamaraw FX, Mitsubishi Adventure van, Isuzu Fuego pickup, kotseng KIA Pride at mga kagamitan para sa pagkakalas ng laman-loob ng sasakyan.
May palagay ang mga awtoridad na kinakalas ang mga laman-loob ng mga kinarnap na sasakyan bago ipinagbibili sa mga auto supply sa naturang lugar at karatig pook. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest