^

Probinsiya

P37-M computer software nasamsam

-
Aabot sa P37 milyong computer software na pinaniniwalaang walang pahintulot na ginagamit ng ilang kompanya sa San Pablo City, Laguna ang kinumpiska ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang biglaang pagsalakay kahapon.

Sa ulat na isinumite kay NBI Director Reynaldo Wycoco, armado ng search warrant na inisyu ni San Pablo Regional Trial Court Judge Gregorio Villanueva ng Branch 30 ang mga operatiba ng NBI nang salakayin ang ilang establisimiyento sa nasabing bayan.

Nakumpiska ang 223 computer na kargado ng walang lisensyang software mula sa mga kompanyang Symantec, Adobe, Autodesk at Macromedia na pawang nakabase sa USA.

Base sa ulat ng NBI, milyong dolyares ang nawawala sa mga nagreklamong kompanya kaya nagsagawa agad nang paniniktik ang mga tauhan ng Intellectual Property Rights Division ng NBI makaraang may makuhang impormasyon sa kinalalagyan ng mga walang lisensyang computer software. (Ulat ni Danilo Garcia)

AABOT

AUTODESK

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

MACROMEDIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN PABLO CITY

SAN PABLO REGIONAL TRIAL COURT JUDGE GREGORIO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with