5 patay sa landslide
June 7, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nalibing ng buhay ang lima katao matapos na maguhuan ng lupa ang kanilang tahanan kamakalawa ng hapon sa Donsol, Sorsogon.
Batay sa natanggap na report ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga nasawi ay sina Joseph Morada, Danilo Marqueses, Tirso Lovendino, Jose Macinas at Ramil Pertez habang himalang nakaligtas naman si Tony Dagusan.
Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang pagguho ng lupa mula sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tres Marias sa nasabing bayan.
Natabunan ng landslide ang tahanan ng mga biktima na nasa paanan ng nasabing bundok.
Samantala, 2 katao naman ang nasawi sanhi ng paghagupit ng bagyong Dodong sa Sison, Pangasinan matapos na tamaan ang mga ito ng kidlat.
Ang mga nasawi ay sina Lourdes Olante at Reynaldo Olante na pawang nakatira sa nasabing lugar. (Ulat nina Joy Cantos/Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest