Housing project sa Tanay ipinatitigil
June 5, 2003 | 12:00am
Nanawagan kamakalawa ang mga magsasakang kasapi ng "KABALAT" kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Emilia Gozon na pansamantalang pigilin ang planong pagtatayo ng housing project sa kanilang sinasakang lupain sa Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.
Ayon sa grupong "KABALAT", ang sinasaka nilang lupain ay nakatakdang suyurin ng Blue Star Development Corp. para pagtayuan ng housing project na may pangalang Garden Cottages.
Nagpakita ng mga dokumento ang mga magsasaka sa nasabing developer na nagpapatunay na ang lupain ay kanilang sinasaka pero binalewala dahil sa sumusunod lamang sila sa mga papeles na ibinigay ng DENR. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest