Bomba para sa gobernador naligtasan
June 5, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si North Cotabato Governor Emmanuel Piñol makaraang madiskubre ang itinanim na bomba ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa radio station kung saan nakatakdang mag-programa ang naturang opisyal kahapon ng umaga sa Cotabato City.
Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, isang bomba na gawa sa mortar shells at may timing device na sasabog bandang alas-12 ng tanghali ang nadiskubre ng guwardiya sa mismong booth ng dxMB radio station.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na itataon sana ang pagsabog sa pagsisimula ng programa ni Governor Piñol sa nasabing radio station pero naudlot makaraang madiskubre.
Agad namang rumesponde ang mga elemento ng Explosives and Ordnance Division ng PNP at militar kasama ang mga K-9 dog kaya naudlot ang pagsabog.
Mariing sinabi naman ni Governor Piñol na mga rebeldeng MILF ang nagtangka sa kanyang buhay dahil wala naman siyang kalaban sa hanay ng politiko.
Nabatid na ang bombang nakalagay sa itim na bag ay iniwan ng hindi kilalang lalaki na humihingi ng tulong sa pampublikong serbisyo sa programa ni Gov. Piñol sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-10 ng umaga kaya pinatuloy agad ng mga security guard. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest