10 NPA patay sa labanan
May 21, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Sampung rebeldeng New Peoples Army ang iniulat na nasawi makaraang magsagupa ang magkalabang grupo ng rebelde sa tatlong liblib na barangay sa Macabebe, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang sagupaan bandang alas-8:30 ng gabi sa mga Barangay Malauli, Masantol at Consuelo.
Ginulantang na lamang ang mga residente ng sunud-sunod na putukan mula sa nagsagupang kasapi ng CPP-NPA at Marxist Leninist Party of the Phils.-Revolutionary Peoples Army (MLPP-RPA).
May ilang oras din bago humupa ang putukan at nadiskubre ang walong bangkay ng CPP-NPA habang dalawa naman sa grupo ng MLPP-RPA ang nalagas na kinilalang sina Rogelio Palena at Rodrigo Magpayo.
Ayon sa ulat, nahinto lamang ang bakbakan ng mga rebelde makaraang mamataang nagresponde na ang elemento ng pulisya.
Ang naganap na sagupaan ng magkalabang grupo ng rebelde ay nagpapatunay na tumitindi ang demoralisasyon sa hanay ng makakaliwang kilusan.
Nagsagawa naman ng patrulyang panlaban ang magkasanib na elemento ng Pampanga at Bulacan Provincial Police Office laban sa nagbakbakang grupo ng rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended