3 patay sa labanan ng NPA at PNP
May 8, 2003 | 12:00am
SAN RAFAEL, Bulacan Tatlong armadong lalaki na pinaniniwalaang tumiwalag sa grupo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar at pulisya sa Sitio Pulong Bayabas, Barangay San Roque sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Pansamantalang bineberipika ang mga pangalan ng tatlong napatay habang inaresto naman si Julio "July" Magat, may-ari ng bahay na pinagkutaan ng sampu hanggang labinlimang armadong kalalakihan sa nabanggit na barangay.
Sa inisyal na ulat na isinumite kay P/.Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., naitala ang engkuwentro bandang alas-3:30 ng madaling-araw makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong kalalakihan na nagpapahinga sa bahay ni Magat.
Agad na tinungo ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang naturang bahay hanggang sa magkaputukan na ikinasawi ng tatlong tauhan ni Gener Pelayo.
Narekober naman ang backpack, dalawang baril, cellphone, two-way radio at mga subersibong dokumento.
May Teorya ang militar at pulisya na nagsasagawa ng panghoholdap at extortion ang grupo ni Pelayo sa Bulacan at karatig pook. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest