^

Probinsiya

Ex-vice mayor patay sa ambush

-
CAMALIG, Albay – Tinambangan at napatay ang dating vice mayor ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagmomotorsiklo papauwi sa Barangay Tagaytay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si John Villanueva, 53, ex-vice mayor ng Camalig at radio broadcaster sa DGZB sa Legazpi City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naitala ang pananambang dakong alas-7 ng gabi habang nagmomotorsiklo ang biktima papauwi mula sa pinapasukang estasyon ng radyo.

Sinabayan ng dalawang armadong nakamotorsiklo ang biktima saka inupakan ng sunud-sunod na putok na naging sanhi para sumadsad sa gilid ng kalsada.

Ayon pa sa ulat, isinugod sa nabanggit na ospital ang biktima bago binawian ng buhay dakong alas-9:30 ng gabi.

Napag-alaman pa na siyam na taong naglingkod bilang vice mayor si Villanueva at may balak na muling tumakbo sa darating na halalan sa May 2004. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

AYON

BARANGAY TAGAYTAY

BATAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BINAWIAN

ED CASULLA

JOHN VILLANUEVA

LEGAZPI CITY

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with