^

Probinsiya

5 timbog sa nakaw na 100 sasabungin

-
CABIAO, Nueva Ecija Limang kabataan ang iniulat na nalambat ng pulisya makaraang masangkot sa pagnanakaw ng sandaang sasabunging manok sa isinagawang follow-up operation kamakalawa sa bayang ito.

Sinabi ni P/Chief Insp. Elsa Miranda, police chief sa bayang ito, pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek dahil sa pawang mga menor-de-edad.

Dahil sa nagreklamo sina Leo Rodriguez at Severino Rodriguez sa pagkawala ng kanilang panabong na manok noong Marso ay naglunsad ng malawakang pagtugis sa mga suspek.

Ayon pa kay Miranda, isinasagawa ang pagnanakaw bandang alas-9 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling-araw saka ipinagbibili sa Caloocan City sa halagang P500 bawat isa.

Kasalukuyang nasa custody na ng Department of Social Welfare and Development ang mga suspek bago ikulong sa Boys Town.

Naniniwala naman si Mayor Gloria Crespo-Congco na nabuwag na ang grupo na nagnanakaw ng mga sasabunging manok sa naturang bayan matapos madakip ang limang suspek. (Ulat ni Manny Galvez)

vuukle comment

BOYS TOWN

CALOOCAN CITY

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ELSA MIRANDA

LEO RODRIGUEZ

MANNY GALVEZ

MAYOR GLORIA CRESPO-CONGCO

NUEVA ECIJA

SEVERINO RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with