Magsasaka binitay ng NPA
March 31, 2003 | 12:00am
LOPEZ, Quezon Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang naglalakad sa kanyang palayan kasama ang asawa sa Barangay Sto. Niño sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Hinatulan ng bitay ng mga rebelde ang biktimang si Domingo Concha, 50, ng nabanggit na barangay at pinaniniwalaang maraming nagawang kasalanan sa bayan.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Raul Paraiso, hinarang ng mga rebelde ang biktima dakong alas-2 ng hapon habang naglalakad kasama ang asawa.
Puwersahang isinama ng mga rebelde ang biktima at naiwan ang kanyang asawa.
Sa hindi kalayuan ay sunud-sunod na putok ang narinig ng asawa ng biktima at nang puntahan nito ang pinagmulan ng putok ay nadiskubreng duguang nakabulagta si Domingo na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Nag-iwan pa ng sulat ang mga rebelde sa ibabaw ng bangkay ng biktima na nagsasaad na maraming atraso sa bayan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest