^

Probinsiya

Chop-chop na katawan ng preso natagpuan

-
TANAUAN CITY, Batangas – Ilang bahagi ng katawan kabilang ang ulo mula sa presong pumuga may pitong araw na ang nakalilipas ang iniulat na natagpuan sa Barangay Altura Bata sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Sa tulong nina Batangas provincial jail officer Rosalio Alano at Froilan Tapunan ay positibong kinilala ang mga bahagi ng katawan ni Rogelio Regala, 18, na may kasong rape with homicide na pumuga noong Huwebes.

Sinabi ni P/Supt. Efren Ramos, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, ang ulo ni Regala ay nadiskubreng nakabalot sa itim na plastic bag malapit sa bahay ni SPO4 Damaso Maunahan.

Samantala, dalawang oras makalipas na matagpuan ang ulo ni Regala ay kaliwang hita at braso naman ang natagpuan sa kahabaan ng Barangay Santor malapit sa bahay ni P/ Insp. Eulalio Lucido habang hinahanap pa ang ibang bahagi ng katawan ng biktima. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY ALTURA BATA

BARANGAY SANTOR

BATANGAS

DAMASO MAUNAHAN

EFREN RAMOS

EULALIO LUCIDO

FROILAN TAPUNAN

REGALA

ROGELIO REGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with