5 mangingisda nalunod
March 13, 2003 | 12:00am
SAN PASCUAL, Masbate Limang mangingisda ang iniulat na nawawala at pinaniniwalaang nalunod na makaraang lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga biktima habang naglalayag sa karagatang sakop ng isla Animasula ng naturang lugar kahapon ng umaga.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkikilanlan ng mga nawawalang biktima sakay ng bangkang may markang F/B Gemma na pag-aari ni Godofredo Decena ng Barangay Saramag, Balatan, Camarines Sur.
Napag-alaman na patungo ang mga biktima sa Balatan, Camarines Sur nang biglang hampasin ng malakas na alon ang bangkang sinasakyang ng mga mangingisda.
Ginagalugad naman ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at pulis-San Pascual ang mga nawawalang mangingisda na pinaniniwalaang patay na. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest