^

Probinsiya

Misis tinodas ni mister bago nag-suicide

-
BACACAY, Albay – May posibilidad na sinapian ng masamang espiritu ang isang 28-anyos na mister matapos nitong patayin sa itak ang sariling misis ay nagpakamatay din ito sa kanilang bahay sa Barangay Cahogotan sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Si Maricel Belen, 27 ay pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang mister na si Antonio Belen, obrero at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay, dalawang araw pa lamang naikasal ang mag-asawa matapos ang may ilang taong pagsasama na nagbunga ng dalawang anak.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahay ng mag-asawa.

Magkasamang nanonood ng telebisyon ang mag-asawa at sabay ding natulog, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakarinig na lamang ang mga kapitbahay ng malakas na sigaw at iyakan ng dalawang bata.

Nabatid pa sa mga kapitbahay ng mag-asawang Belen na bago naganap ang malagim na trahedya, kinakitaan ng kakaibang kilos ang lalaki at ang dalawang mata nito ay mapula at nanlilisik.

Wala naman daw bisyo ang lalaki at masipag sa gawaing bahay, ngunit may teorya ang pulisya na sinapian ng masamang espiritu ang mister kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ANTONIO BELEN

BARANGAY CAHOGOTAN

BELEN

ED CASULLA

MAGKASAMANG

NABATID

NAPAG

SI MARICEL BELEN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with