3 opisyal ng barangay dinukot
February 11, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang barangay chairman at dalawang barangay kagawad ang iniulat na dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa kani-kanilang bahay sa Barangay Cueva, San Pascual, Masbate kahapon ng umaga.
Sina Leony Masarque, brgy. chairman; Bert Canete at Samson Barrameda na kapwa brgy. kagawad ay sunud-sunod na dinukot sa kanilang bahay bandang alas-6:30 ng umaga.
Sinabi ni P/Chief Supt. Rodolfo Tor, Bicol police director na inaalam na ng kanyang mga tauhan kung saan dinala ang mga biktima at motibo ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Pinagtataga sa leeg hanggang sa mapatay ang isang 26-anyos na lalaki ng sariling ama makaraang magtalo sa ipinahiram na bisikleta ng biktima sa kaibigan kamakalawa ng hapon sa Barangay Sibut sa lungsod na ito.
Halos mapugot ang ulo ng biktimang si Randy Ramos, samantala, sumuko naman ang ama na si Felix Ramos, 51, matapos magtalo bandang alas-3:45 ng hapon sa kanilang bahay.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang kapitbahay, hindi nagkaintindihan ang mag-ama sa pinagtalunang pagpapahiram ng bisikleta. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Kasalukuyang nahaharap sa kasong rape ang dalawang lalaki makaraang ireklamo ng isang 15-anyos na dalagita sa Barangay Molino, Bacoor kamakalawa ng hapon.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Mila, estudyante ng nabanggit na barangay, samantala, kaagad namang nasakote ang mga suspek na sina Cornelio Inocente, 18, ng Dominic Addas, 2, at isang alyas Lary, 15, ng Aquino compound ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodolfo Arboleda, naitala ang krimen dakong alas-3 ng hapon makaraang malasing ng alak ang biktima saka isinagawa ang maitim na balak ng dalawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
CAINTA, Rizal Apat-katao na pinaniniwalaang kasapi ng malaking sindikato ng droga ang iniulat na inaresto ng mga alagad ng batas makaraang makumpiskahan ng P.2-milyong shabu sa isinagawang drug-bust operation sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal kamakalawa ng madaling-araw.
Hindi na nakapalag pa sina Angelo San Pedro, 32; Haron Malang, 24; Joboy Vizcara, 26; at Ronnie Asuncion, 29, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Senior Insp. Arthur Masungsong, hepe ng Rizal Special Operation Group (SOG), isinagawa ang drug operation bandang alas-4:15 ng madaling-araw makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa asset ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)
Sina Leony Masarque, brgy. chairman; Bert Canete at Samson Barrameda na kapwa brgy. kagawad ay sunud-sunod na dinukot sa kanilang bahay bandang alas-6:30 ng umaga.
Sinabi ni P/Chief Supt. Rodolfo Tor, Bicol police director na inaalam na ng kanyang mga tauhan kung saan dinala ang mga biktima at motibo ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Halos mapugot ang ulo ng biktimang si Randy Ramos, samantala, sumuko naman ang ama na si Felix Ramos, 51, matapos magtalo bandang alas-3:45 ng hapon sa kanilang bahay.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang kapitbahay, hindi nagkaintindihan ang mag-ama sa pinagtalunang pagpapahiram ng bisikleta. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Mila, estudyante ng nabanggit na barangay, samantala, kaagad namang nasakote ang mga suspek na sina Cornelio Inocente, 18, ng Dominic Addas, 2, at isang alyas Lary, 15, ng Aquino compound ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodolfo Arboleda, naitala ang krimen dakong alas-3 ng hapon makaraang malasing ng alak ang biktima saka isinagawa ang maitim na balak ng dalawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Hindi na nakapalag pa sina Angelo San Pedro, 32; Haron Malang, 24; Joboy Vizcara, 26; at Ronnie Asuncion, 29, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Senior Insp. Arthur Masungsong, hepe ng Rizal Special Operation Group (SOG), isinagawa ang drug operation bandang alas-4:15 ng madaling-araw makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa asset ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest