^

Probinsiya

Turistang Hapones kinidnap sa beach resort

-
CEBU CITY — Isang turistang Hapones na pinaniniwalaang kinidnap ang iniulat na nawawala makaraang lumabas ng tinutuluyang hotel sa beach resort malapit sa Lapu-Lapu City noong Enero 30, 2003, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.

Tinukoy ng mga imbestigador ang biktimang si Ryohei Sato, 70, ng Matsu, Japan na simula nang lumabas ng kuwarto ang Hapones ay hindi na nakabalik pa.

Batay sa ulat ni P/Supt. Paquito Belendres, inabisuhan na ng mga opisyal ng hotel ang pulisya tungkol sa pagkawala ng biktima.

Nabahala ang opisyal ng hotel dahil papaalis na ang biktima patungong Japan noong Pebrero 1 at inabisuhan na ang Japanese consul na pinaniniwalaang kinidnap ng mga armadong kalalakihan.

Magugunitang kinidnap ang isang negosyanteng Hapones na si Hazumitsu Hashiba noong nakalipas na buwan sa Mindanao at pinaniniwalaang nagbigay ng malaking halaga kaya pinalaya.

vuukle comment

BATAY

ENERO

HAPONES

HAZUMITSU HASHIBA

ISANG

LAPU-LAPU CITY

MAGUGUNITANG

MINDANAO

PAQUITO BELENDRES

RYOHEI SATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with