5 pulis kinasuhan ng mag-asawang trader
January 29, 2003 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang limang pulis-Guiguinto makaraang kasuhan ng police brutality ng mag-asawang negosyante sa Sitio Muzon, Barangay Tuktukan, Guiguinto, Bulacan.
Kinilala ang mga kakasuhan na sina SPO1 Arturo Gatmaitan, PO2 Bienvenido Santiago, PO1 Darly Riogelon at dalawang pulis na kikilalanin sa police line-up na pawang mga tauhan ni P/ Senior Insp. Joselito Sta. Teresa.
Ang limang pulis ay kinasuhan ng mag-asawang sina Exequiel at Lorenzo Landayan na dumanas ng pagpapahirap dahil lamang sa naipagbiling liquified petroleum gas (LPG) tank sa kanilang junk shop.
Napag-alaman sa salaysay ng mag-asawa, biglang pumasok ang limang pulis sa kanilang junk shop at hinanap ang nakaw na LPG tank na ipinagbili sa mag-asawa ng hindi kilalang lalaki.
Ayon pa sa mag-asawang Landayan, matapos na hindi makita ang hinahanap ng mga pulis ay kinaladkad papalabas ng bahay ang babae at isinakay sa mobile car at ikinulong ng dalawang araw kahit na walang anumang papeles at kasong isinampa sa kanila.
Hindi naman nakuhanan ng paliwanag ang limang pulis partikular ang kanilang hepe na si P/Sr. Insp. Joselito Sta. Teresa. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am