Bus terminal pinasabog ng MILF
January 25, 2003 | 12:00am
Cotobato City Isang bus terminal na tumanggi umanong magbigay ng extortion money sa sinasabing miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pinasabog kamakalawa sa lungsod na ito.
Dalawang hindi nakilalang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng MILF ang naghagis ng granada sa Weena Bus Line Terminal kamakalawa.
Nawasak ang restaurant sa loob ng nasabing bus terminal subalit walang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing grenade blast.
Ayon sa ulat, ang Weena Bus Line ang tanging bus na nagseserbisyo sa lungsod na ito at palagi umanong nakakatanggap ng extortion demands mula sa MILF.
Walong ulit na umanong pinasabog o tumanggap ng bomb attempt ang Weena Bus Line kung saan ang pinakahuling pagsabog sa Kidapawan City ay noong Oktubre at ikinasawi ng 9 na katao.
Mariing itinatanggi ng MILF na sila ang nasa likod ng mga pagpapasok o terorismo sa Mindanao matapos silang lumagda ng ceasefire at peace talks sa pamahalaan pero sa kabila nito ay palaging sila ang tinutukoy ng pulisya at militar na sangkot sa mga extortion para makalikom ng pondo ang kanilang samahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am