^

Probinsiya

Bahay grinanada; 2 patay, 1 sugatan

-
RIZAL, Nueva Ecija – Dalawa-kato ang kumpirmadong nasawi, samantala, isa ang nasugatan makaraang hagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang nakamotorsiklo ang mga biktima na nasa labas ng bahay na sakop ng Barangay Poblacion Norte sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Dr. Bautista Medical Hospital sina Marco Polo Mauyao, 29, may asawa, kasapi ng Bantay-Bayan sa nabanggit na barangay at Orlando Villa, 17, estudyante, samantala, nakilala naman ang nasugatan na si Rafael Mauyao Jr., 16 na pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Moises Pagaduan, hepe ng Rizal police station, masayang nagkukuwentuhan ang tatlo sa labas ng bahay ni Rafael Mauyao Sr. nang biglang sumulpot ang dalawa at naghagis ng granada.

May palagay ang pulisya na ang dalawa ay kapwa kasapi ng makakaliwang kilusan at nasa ilalim ng test mission. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION NORTE

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

DR. BAUTISTA MEDICAL HOSPITAL

MARCO POLO MAUYAO

MOISES PAGADUAN

NUEVA ECIJA

ORLANDO VILLA

RAFAEL MAUYAO JR.

RAFAEL MAUYAO SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with