CPP-NPA anniversary sasakupin ang buong Rizal
December 26, 2002 | 12:00am
Higit pang inalerto kahapon ni P/Sr. Supt. Carlito Dimaano, Chief ng Rizal Police Provincial Office (PPO) ang kanyang mga tauhan dahilan sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) kaugnay ng pagdiriwang ng ika-34 taong anibersaryo ng komunistang grupo ngayong Disyembre 26.
Nabatid na higit pang pinalakas ng pulisya ang pagbabantay sa mga istratehikong lugar sa lalawigan ng Rizal bunsod na rin ng pagbabanta ng Narciso Aramil Command, ang grupo ng mga NPA na aktibong kumikilos dito.
Una rito, binawalan ni Dimaano ang kanyang mga tauhan na huwag munang magsipagbakasyon dahilan sa seryosong banta ng mga rebelde.
Base sa report ng pulisya, karaniwan ng umaatake ang mga rebeldeng NPA bago sumapit o matapos ang kanilang anibersaryo upang ipakita umano sa gobyerno na malakas pa rin ang kanilang puwersa sa bansa.
Bukod sa bawal ang magbakasyon sa mga pulis na siyang mahigpit na direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane ay binawalan rin ang mga ito na uminom ng alak partikular na kung duty at kabilang naman sa mga lugar na balak umanong atakehin ng mga rebelde sa Rizal ay ang Jalajala, Pililia, Rodriguez, Morong, Tanay, Antipolo City at iba pa, pawang mga kilalang balwarte ng komunistang grupo sa lalawigan.
Binigyang diin ni Dimaano na hindi na dapat maulit pa ang ginawang pag-atake ng mga rebelde sa bayan ng Rodriguez matapos dukutin ang Chief of Police dito may ilang taon na ang nakalilipas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest