^

Probinsiya

8 dakip sa P3-M nakaw na computer chips

-
Walo katao ang iniulat na dinakip ng mga ahente ang National Bureau of Investigation (NBI) makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng P 3-milyong computer chips sa isinagawang pagsalakay sa General Trias, Cavite.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspek na sina Reynaldo "Bossing" Francisco, 41; John Leo Francisco, 19; Jhun Catoy, 30 ng Brgy. Javalera, Gen. Trias, Cavite; Concepcion Arbolante, 32, alyas Connie Bayas ng Brgy. Julugan, Tanza, Cavite; Dominador "Junior" Bayas ng Brgy. Habang, Amadeo; Vic Martal, 22 ng Chesa St., Golden Acres, Talon Uno, Las Piñas City; Restituto "Resty" Mariano, 26 empleyado ng Maxims Phils. ng Purok Uno, Panungyanan, Gen. Trias, Cavite; at Carlos "Buldog" Vivar, 28 ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias. Cavite.

Tinutugis naman ang iba pang suspek na sina Liza Francisco; Carlos "Jun-Jun" Latoja at isang alyas Ryan, 26 na pawang residente ng nabanggit na bayan.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng reklamong isinampa ng pamunuan ng Maxims Phils. Operating Corp. na may nawawalang mga computer chips na pinaniniwalaang ipinupuslit papalabas ng ilang trabahador at ipinagbibili sa mga computer shop. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BRGY

CAVITE

CHESA ST.

CONCEPCION ARBOLANTE

CONNIE BAYAS

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GENERAL TRIAS

GOLDEN ACRES

JHUN CATOY

MAXIMS PHILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with