^

Probinsiya

Engineer todas sa pananambang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Engineer todas sa pananambang
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Arvie John dela Cruz  Ragonton, 30-anyos,isang onsite engineer ng isang real state deve­loper na may proyekto sa Brgy. Matina ng Davao City at residente ng Pigcawayan,North Cotabato.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang engineer makaraang pagbabarilin ang sinasak­yang behikulo malapit sa main gate ng Orange Grove sa kahabaan ng Carlos Garcia Highway sa  Brgy. Matina Pangi, Davao City,nitong Biyernes  ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Arvie John dela Cruz  Ragonton, 30-anyos,isang onsite engineer ng isang real state deve­loper na may proyekto sa Brgy. Matina ng Davao City at residente ng Pigcawayan,North Cotabato.

Sa report ng Davao City Police, alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng nasabing highway   habang siya ay papasok sa main entrance ng Orange Grove.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Matapos makasigurong napuruhan ang target ay mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Samantala, kabilang sa sinisilip na motibo ng krimen ay posibleng personal na galit at ­inggitan sa trabaho habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with