2 Koreano nalunod sa Puerto Galera
December 2, 2002 | 12:00am
Naging trahedya ang naging bakasyon ng dalawang turistang Koreano sa bansa makaraang malunod habang naliligo at pumasok sa malalim na kuweba sa karagatang sakop ng Brgy. Sabang, Puerto Galera, Mindoro Oriental kahapon ng umaga.
Natagpuan ng mga mangingisda ang bangkay ni Ja Jye Ha, 43, ng Chon-Bok JK Sanse, Dongsan-Dong, South Korea, samantala, pinaghahanap naman ang kaibigan nitong si Park Shang Hoonn, 46, na kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Sonnys Tourist Inn.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtungo ang mga biktima sa naturang lugar kasama si Lee Young Jae, 23, anak ni Ha upang mag-underwater skin diving sa So Big Lalaguna cave.
Hindi naman naligo si Jae at hinintay na lamang ang kanyang ina at kaibigan ngunit may ilang oras na ang nakalilipas ay hindi pa bumabalik hanggang kumalat ang balitang patay na si Ha, samantala, pinaghahanap naman si Hoonn na pinalalagay na nalunod na rin. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest