Traysikel bumaligtad, 2 patay, 3 grabe
December 1, 2002 | 12:00am
RIZAL, Nueva Ecija Dalawa-katao ang iniulat na nasawi, samantala, tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang bumaligtad ang sinasakyang traysikel ng mga biktima saka nasalpok pa ng pampasaherong dyip sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Del Pilar sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktimang nasawi ay nakilalang sina Renante Subad, 17, at Erwin Villanada, 21, kapwa binata, ng Brgy. San Gregorio.
Samantala, nasa Bautista Medical Clinic ang mga sugatang biktima na sina Erickson de Guzman, 17; Jojo Valdez at isang pitong-taong gulang na bata na hindi pa nabatid ang pangalan.
Napag-alaman sa ulat ni P/Chief Insp. Moises Pagaduan, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang aksidente dakong alas-6:50 ng gabi makaraang umoberteyk ang traysikel ni De Guzman sa isang kariton na hinihila ng kalabaw.
Dito na nawalan ng kontrol ang traysikel bago bumaligtad at sinalpok naman nang paparating na dyip (CWN-659) na minamaneho ni Bienvenido Alipio, 36 ng Barangay Bicos. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest