NPA muling nanunog ng cell site
November 25, 2002 | 12:00am
LIAN, Batangas Muli na namang nanunog ng cellsite sa Barangay Matabungkay kamakalawa ng gabi ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) may limang araw pa lamang ang nakalilipas na sinilaban ang cellsite sa Liliw, Laguna dahil sa pagtanggi ng may-ari na magbigay ng revolutionary tax sa makakaliwang kilusan.
Sinabi ni P/ Senior Insp. Gerson Bisayas, hepe ng pulisya sa bayang ito na limang rebelde ang sumalakay sa compound na kinaroroonan ng Globe cellsite dakong alas-7 ng umaga at dinis-armahan ang nag-iisang security guard na si Christopher Carandang.
Kaagad tinungo ng mga rebelde ang apparatus cabin at genarator ng cellsite saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.
Nabatid pa sa ilang mga residente na nakita nilang umaapoy ang naturang cellsite kaya mabilis na ipinagbigay-alam sa pulisya na may 12 kilometro ang layo sa nabanggit na barangay.
Hindi naman inabutan ng mga nagrespondeng pulis ang mga nagsitakas na rebelde na biglang naglaho sa plantasyon ng tubo sa Brgy. Balibago.
Gayunpaman, pupulungin ni P/Chief Supt. Enrique Galang, Calabarzon police director ang lahat ng security officer and engineers ng mga cellsite sa kanyang nasasakupan upang planuhin ang security measures upang mapigilan ang susunod pang karahasan. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest