^

Probinsiya

5 pumatay sa 2 katulong nalambat ng NBI

-
Lima-katao na pinaniniwalaang responsable sa panggagahasa at pagpatay sa dalawang katulong sa Dasmariñas,Cavite noong Hulyo 18, 2002, ang bumagsak sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang follow-up operation sa Cavite City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspek na sina Rogelio Ibañez, 33, ng Paliparan, Dasmariñas, Cavite; Fernando Amparo, 29; Rolando Famy, 23; George Butuin, 24 at Wilma Vicente, 18, ng Coastal Road, Parañaque City.

Napag-alaman kay Wycoco na kinontak ng pangunahing suspek na si Juliet Atillano ang mga nadakip upang patayin sina Melanie G. Tablit, 33 at Joan C. Tindugan, 24, ng Greenwood Executive Village, Pasig City noong Hulyo 18, 2002 sa halagang P1-milyon.

Dahil sa nakatakas ang isa sa kasamahang katulong naipagbigay sa kinauukulan ang pangyayari ay pinatay na lamang ang dalawa.

Ayon pa sa ulat ng NBI, itinapon ang bangkay ng dalawa sa madamong lugar sa nabanggit na bayan upang maitago ang krimen ngunit may mga nakasaksi sa pangyayari.

Kaya nagsagawa ng follow-up operation ang mga ahente ng NBI at dahil sa impormasyong nakalap ay kaagad naman nadakip ang lima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CAVITE

CAVITE CITY

COASTAL ROAD

DASMARI

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

FERNANDO AMPARO

GEORGE BUTUIN

GREENWOOD EXECUTIVE VILLAGE

HULYO

JOAN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with