Magkaibigan ginulpi sa videoke bar, 1 patay
October 21, 2002 | 12:00am
DARAGA, Albay Dahil sa hindi pagbabayad ng ininom na alak at pulutan ang naging sanhi upang pagtulungang gulpihin ang magkaibigan ng mga trabahador sa videoke bar sa Barangay Kimantong sa bayang ito na ikinasawi ng isa kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Daniel Hitosis, binata, manggagawa sa pabrika ng semento sa Camalig, Albay, samantala, sugatan naman si Jobert Lorias, 26, binata, tubong Victoria, Negros Occidental at residente ng Barangay Palanog.
Ang mga suspek na pansamantalang nakapiit sa police detention cell ay nakilalang sina Darwin Amaranto, floor manager; Rey Tabuerta, Llyod Nacore, Arnold Ramos, Ronald Bagaporo, Emmanual Sto. Domingo, Arnold Llabres at Norberto Barandon na pawang empleyado ng LG videoke bar.
Naitala ang krimen bandang alas-2:15 ng madaling-araw makaraang tumangging magbayad ang magkaibigan ng kanilang ininom na alak at kinain na pulutan na nagkakahalaga ng P1,500.
Dito na sinimulan ng mga suspek na pagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isa sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest