^

Probinsiya

3 bangkay ng NPA nahukay

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Tatlong bangkay na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at umano'y responsable sa pagpatay kay Kumander Hector Mabilangan may ilang taon na ang nakalilipas ang nahukay ng tropa ng 204th Infantry Brigade ng Phil. Army sa kagubatan ng Sitio Lagpang, Brgy. Villa Cervesa, Victoria, Oriental Mindoro kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Major Jose Broso, commanding officer ng Civil Relations Group sa Southern Tagalog, nadiskubre ang bangkay nina Ka Abling, vice commander ni Ka Hector Mabilangan; Ka Nards at Ka Daniel na pawang kasapi ng Melito Glor Command ng NPA makaraang ituro ng asset ng militar ang pinaglibingan bandang alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Major General Roy Kyamco, commander ng SOLCOM, naaagnas na ang mga bangkay at nakilala lamang dahil sa positibong itinuro ng kanilang asset na mismong nakasaksi sa pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

CIVIL RELATIONS GROUP

INFANTRY BRIGADE

KA ABLING

KA DANIEL

KA HECTOR MABILANGAN

KA NARDS

KUMANDER HECTOR MABILANGAN

LUCENA CITY

MAJOR GENERAL ROY KYAMCO

MAJOR JOSE BROSO

MELITO GLOR COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with