^

Probinsiya

2 coed ni-rape ng 3 sa computer shop

-
INDANG, Cavite — Dalawang kolehiyala ang iniulat na ni-rape ng tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor-de-edad na estudyante ng high school na pinaniniwalaang adik habang ang mga biktima ay nasa loob ng computer shop sa Barangay Kuwatro sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang magkaibigang biktima na itinago sa pangalang Carla at Josie, kapwa 18-anyos at estudyante ng Cavite State University (CSU), residente ng Camella Homes 2, Brgy. Molino 4, Bacoor at Brgy. Taywanak, Alfonso, Cavite.

Samantala, isa sa tatlong suspek ay kinilalang si John Batac, 20, dating estudyante sa Indang Central High School habang ang dalawa ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad, residente ng Brgy. 4, Indang, Cavite at kapwa 2nd year high school sa nabanggit na eskuwelahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Liezel Sarmiento, kasalukuyang nasa Tinokis Cybercafé Computer shop ang magkaibigang biktima habang ang tatlong suspek naman ay nag-iinuman ng alak sa naturang computer shop.

Ayon sa ulat ng pulisya, inanyayahan ng mga suspek na makisama sa inuman ang magkaibigan at pinaunlakan naman ang paanyaya hanggang sa malasing ang dalawa.

Bandang ala-una ng hapon ay nalango na rin sa alak ang dalawa at inalalayan ng isa sa suspek si Carla na pumunta sa palikuran ngunit sinamantala ang pagkalango ng biktima at naisagawa ang maitim na balak.

Katulad ni Carla ay sinamahan din ng suspek si Josie sa palikuran at sinimulan nang lamasin ang maseselang bahagi ng katawan ngunit pinigilan lamang ng isa sa mga suspek kaya nabulilyaso nang may dumating na ibang tao.

Kasalukuyang nasa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang suspek na menor-de-edad, samantala, si Batac naman ay nakapiit sa police detention cell. (Ulat ni Cristina Go -Timbang)

vuukle comment

BARANGAY KUWATRO

BRGY

CAMELLA HOMES

CARLA

CAVITE

CAVITE STATE UNIVERSITY

CRISTINA GO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INDANG CENTRAL HIGH SCHOOL

JOHN BATAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with