^

Probinsiya

49 Koreano dinakip

-
LOS BAÑOS, Laguna – Umaabot sa apatnaput siyam na estudyanteng Koreano na pawang nag-overstaying at walang permisong mag-aral, ang dinakip ng mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) sa bayang ito.

Ipinag-utos din ni Immigration Commissioner Andrea Domingo na i-blacklisted ang may-ari ng Collegio de Los Baños na si Lee Ju Hyoung na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon kay Domingo, hinikayat ni Lee ang mga estudyanteng tinedyer na Koreano na mag-aral sa naturang eskuwelahan kahit na walang student visas.

Ilan naman sa mga estudyante ay nagpakita ng mga kaukulang papeles na nagpapatunay na may student visas ngunit ang mga walang maipakitang visa ay nahaharap sa agarang deportasyon.

Pinagmumulta rin ni Domingo ng halagang P50,000 ang naturang kolehiyo dahil sa pinayagan ng may-ari na mag-aral ang mga Koreanong tinedyer kahit walang permiso sa BID.

Napag-alaman pa sa ulat ng BID na niloko daw ni Lee ang mga estudyanteng Koreano dahil sa certificate lamang ang ibinigay noong sila ay nagtapos imbes na diploma. (Ulat ni Jhay Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

COLLEGIO

DOMINGO

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

JHAY QUEJADA

KOREANO

LEE JU HYOUNG

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with