5 katao dinukot ng MILF rebels
September 6, 2002 | 12:00am
Limang sibilyan ang pinaniniwalaang dinukot ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang mga biktima ay magkakasamang naglalakad papauwi sa Barangay Brar, Talayan, Maguindanao noong Lunes ng gabi.
Nakilala ang mga dinukot ng rebelde na sina Kumpa Akan, 40; Mamtanto Kamarudin, 35; Chicago Alang, 22; Kubay Alang, 25; at Nais Kamarudin, 18, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa naantalang ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-8 ng gabi sa madilim na bahagi ng naturang lugar.
May palagay ang mga imbestigador na ni-recruit ng mga rebelde ang mga biktima dahil sa walang anumang hinihinging ransom ang grupo ng MILF.
Kasalukuyang nagpapalakas ang mga rebelde dahil sa pagsuko ng kanilang mga kasama sa tropa ng militar. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest