^

Probinsiya

Ferry nasunog: 326 pasahero nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 326 katao ang matagumpay na nasagip matapos na umapoy at lumikha ng sunog ang isang ferry vessel o fast craft sa bahagi ng karagatan ng Danao sa Cebu kahapon ng tanghali.

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7, ang fast craft MV Ocean 168 ay mula sa Cebu City at patungo sana sa Ormoc City, Leyte ng mangyari dakong alas-10:40 ng tanghali ang insidente.

Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), agad nitong inutos ang pansamantalang suspensiyon ng pagbiyahe ng naturang mga fast craft ng Ocean Fast Ferries Inc., may-ari ng nasabing fast craft habang nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon sa kondisyon ng mga ferry boat.

Nabatid na ang sunog ay nagmula sa engine room ng nasabing fast craft na mabuti na lamang at agad naapula.

Mabilis namang nag­responde ang mga tauhan ng Ocen Fast Ferries Inc. na agad nasagip ang mga pasahero at crew na isinakay ng mga ito sa isa pa nilang ferry na MV Ocean Jet 88 na ligtas na nakabalik sa pantalan ng Cebu City. Ipinahayag din ng kumpanya na ligtas ang lahat ng pasahero at tripulante ng kanilang ferry boat.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with