5 araw ultimatum sa kidnappers ng miyembro ng Jehovah Witnesses
August 24, 2002 | 12:00am
Limang araw lamang ang ibinigay na palugit ng mga negosyador ng pamahalaan sa teroristang Abu Sayyaf para palayain ang apat na miyembro ng Saksi ni Jehovah na bihag pa ng mga ito kundi ay isang all-out assault ang ilulunsad ng puwersa ng militar laban dito.
Sa pinakahuling ulat na natanggap ni chief of staff Roy Cimatu na ang mga teroristang nauna ng pumugot sa ulo ng dalawang lalaking bihag na kasapi rin sa Saksi ni Jehovah ay pawang mga talamak na drug addicts, pushers at sanggano kayat walang kinikilala ang mga ito.
Gayunman ay sinabi ni Cimatu na binibigyan pa rin niya ng pagkakataon ang civilian negotiators sa pamumuno ng mayor ng Patikul na maresolba sa mapayapang paraan ang hostage crisis na ito sa loob ng itinakdang limang araw.
Patuloy naman sa pagpapaigting ng kanilang puwersa ang armed forces na siyang kukubkob sa isang liblib na lugar na pinagkukutaan ng may 15 miyembrong terorista. Nakaposte na ang puwersa ng Marine Battalion sa isang strategic location at ang light reaction company na anumang oras ay maaaring bumuga ng kamatayan para sa grupong terorista.
Nabatid din sa ulat na humihingi ng halagang P6-M ransom ang grupo para sa kalayaan ng apat na kababaihang bihag na sina Nori Bendijo, 41;Cleofe Mantolo, 46; Flora Mantolo, 40 at Emily Mantic, 40.
Pero agad na sinalungat ito ng militar dahil sa no-ransom policy ng pamahalaan na inaayunan naman ng pamunuan ng Jehovahs Witnesses.
Samantala ay positibo naman ang mga bihag sa pag-uusap ng kanilang punong ministro at ng Grand Imam sa Sulu para sa kanilang kalayaan ng walang ransom. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended