^

Probinsiya

Isang pamilya nalitson sa sunog

-
CEBU CITY – Walang nagawa ang mag-asawang matanda at anak nito sa kalawit ni kamatayan makaraang malitson sa naganap na sunog sa Sitio Lower Kawayan, Brgy. Sambog II ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Jose Miel, 70, asawa nitong si Patronita, 75 at anak na si Leonides, 57, ng nabanggit na barangay.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-2:30 ng hapon na naging dahilan upang madamay ang may 200 kabahayan kabilang na ang bahay ng mga biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Crisanta Giholpe.

Inilikas na sa sports complex ng naturang barangay ang 250 pamilya na naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BRGY

CAMP CRAME

CRISANTA GIHOLPE

DANILO GARCIA

INILIKAS

JOSE MIEL

PATRONITA

SAMBOG

SITIO LOWER KAWAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with