Hindi nagbigay ng 20% discount kinasuhan
July 24, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Dalawang hospital employees ang nahaharap sa kasong paglabag sa pinaiiral na Senior Citizens Act makaraang tumangging magbigay ng diskuwentong 20 porsiyento ng gamot sa isang na-ospital na senior citizen sa lungsod na ito.
Ang dalawang akusado na pinagpiyansa ng korte ng halaganag P2,000 bawat isa ay nakilalang sina Elma Galagar, accounting division chief at Jaime Amscua, isang pharmacist mula sa San Pedro Hospital.
Inakusahan ni Benedict Adan ang dalawa dahil sa pagtataas ng presyo ng medisina na kanyang binili para sa kanyang inang si Nida na na-ospital noong Enero 17 dahil sa pneumonia.
Ayon sa salaysay ni Adan sa kanyang affidavit na isinumite sa city prosecutors office na napuna niya na may discrepancies sa presyo ng gamot na kanyang nabili sa hospital pharmacy noong Enero 18 at 19.
Inamin naman ni Amscua kay Adan na ginagawa ng hospital pharmacy na itaas ang presyo ng gamot sa ibang pagkakataon upang maibigay ang 20 porsiyentong diskwento sa mga senior citizen. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest