^

Probinsiya

3,800 sakong smuggled rice ibinigay sa mga biktima ng baha

-
SUBIC BAY FREEPORT – Pormal nang ibinigay nina Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo at Bureau of Customs (BoC) District Collector Felipe Bartolome sa disposisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kumpiskadog bigas para ipamahagi sa Gitnang Luzon na sinalanta ng bagyong "Gloria."

Sa simpleng seremonya, ang dokumento para sa 3,800 sako ng bigas ay tinanggap ni DSWD Assistant Sec. Ruth Layug at sinaksihan nina Region 3 DSWD Dir. Florita Villar, Bataan Vice-Gov. Rogelio Roque, Zambales Gov. Vicente Magsaysay, Bulacan Vice-Gov. Relie Aurello, SBMA Dep. Adm. for Ports Sonny Canlas at iba pang opisyal ng DSWD at SBMA.

Sinabi ni Payumo na ang mga bigas na nakasilid sa 10 container vans ay bahagi ng mga kumpiskadong bigas mula sa Thailand at inabandona ng consignee ng mahigit na isang taon.

Inihahanda na rin ng SBMA ang dokumento ng may 500 bagon (vales) ng mga kumpiskadong used clothing na matagal nang pinababayaan ng mga nagmamay-ari nito upang ipamahagi na rin sa mga biktima ng kalamidad at iba pang institusyon ng kawanggawa ng pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Payumo na bago tuluyang ilabas ng Subic Freeport ang mga bigas ay isasailalim muna ito sa pagsusuri ng mga technician ng National Food Authority (NFA) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. (Ulat ni Jeff Tombado)

ASSISTANT SEC

BATAAN VICE-GOV

BULACAN VICE-GOV

BUREAU OF CUSTOMS

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISTRICT COLLECTOR FELIPE BARTOLOME

FLORITA VILLAR

GITNANG LUZON

JEFF TOMBADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with