Pamangkin pinatay ng tiyo sa piyesta
June 27, 2002 | 12:00am
TIAONG, Quezon Binaril at napatay ang isang vendor ng sariling tiyuhin habang nag-iinuman ang dalawa sa idinaraos na kapistahan ng kanilang bayan sa Brgy. Poblacion 4 noong Lunes ng hapon, June 24, 2002.
Idineklarang patay sa San Pablo Hospital ang biktimang si Ronaldo Tapero, 21, may asawa, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Willie Jimenez, may sapat na gulang, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa naantalang ulat mula kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director, kasalukuyang nag-iinuman ang dalawa sa labas ng kanilang bahay kasama ang biyenang si Jose Manalo nang sumiklab ang mainitang pagtatalo sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Dahil sa lango na sa alak ang biktima ay hinamon nito ng suntukan ang tiyuhin at dahil sa malaki at hindi kayang makipagsuntukan ng suspek ay kaagad nitong pinaputukan ang kanyang pamangkin. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest