1 sa 4 Indons na kinidnap nasagip
June 20, 2002 | 12:00am
Nabawi na ng mga operatiba ng militar ang isa sa apat na Indonesian crewmen na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf group sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa Luuk, Sulu.
Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, inihayag ni ret. Major Gen. Melchor Rosales, Spokesman ng ASG Crisis, ang matagumpay na pagkakabawi kay Ferdinand Joel, chief mate ng M/T Sintel Marine 88 tugboat.
Sinabi ni Rosales na si Joel ay narekober ng mga operatiba ng 3rd Marine Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Comet na pinamumunuan ni Major Gen. Glicerio Sua sa tulong ni Luuk Mayor Abdurakman Arbison dakong alas-10:06 ng umaga sa liblib na bisinidad ng Sitio Libubong, Brgy. Niangkaan, Luuk, Sulu.
Ayon kay Rosales, malaki ang naitulong ni Arbison sa matagumpay na pagkakatagpo sa pinaghahanap na Indonesian.
Gayunman, tumanggi si Rosales na tukuyin kung nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng mga kidnappers at ni Arbison bago tuluyang nabawi ito ng tropa ng militar.
Patuloy naman ang isinasagawang rescue operations upang mabawi ang tatlo pang Indonesian crewmen na kasamang binihag si Joel na sina Muntu Jacobus Winowatan, captain; Julkipli, chief officer at Pieter Lerrech, chief engineer.
Idinagdag pa ni Rosales na wala umanong naganap na palitan ng putok sa pagkakarekober kay Joel habang mahigpit na minamatyagan ang ilang lugar sa Sulu na pinaniniwalaang itinatago ang tatlo pa nitong kasamahan.
Sa kasalukuyan ay hindi kinumpirma ni Rosales na mga bandidong Abu Sayyaf ang sangkot sa pagdukot sa mga biktima.
Ang Luuk, Sulu ay kilalang balwarte ni ASG leader Ghalib Andang alyas Commander Robot na sangkot sa pagdukot sa 21 katao sa Sipadan Beach Resort sa Malaysia noong nakalipas na Abril 23, 2000.
Magugunita na ang apat na biktima ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan matapos na harangin ang tugboat na M/T Sintel Marine 88 na may hilang Labron barge at kargang 8,000 metrikong toneladang uling habang naglalayag sa pagitan ng karagatan ng Luuk, Sulu nitong nakalipas na Martes.(Ulat nina Joy Cantos/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended