^

Probinsiya

2 hukom nagsuntukan

-
MALOLOS, Bulacan – Dahil sa hindi pagkakaunawaan sa isyung pulitika ay nagawang suntukin sa mukha ang isang hukom ng kanyang kasamahang hukom habang nagpupulong sa ikalawang palapag ng Hall of Justice sa provincial capitol compound sa bayang ito kamakailan.

Ayon sa ulat na nakalap ng PSN, ang panununtok sa mukha ni Bulacan Regional Trial Court Judge Alexander Tamayo ng Branch 15 ay isinagawa ni Bulacan RTC Judge Caesar Casanova ng Branch 80 na pinaniniwalaang matalik na kaibigan ni Bulacan-RTC Executive Judge Oscar Herrera.

Ang panununtok ni Judge Casanova kay Judge Tamayo ay nag-ugat makaraang magpalabas ng press statement si Executive Judge Herrera sa lahat ng hukom sa Bulacan na huwag makihalubilo sa isyung politika.

Dahil sa press statement ni Executive Judge Herrera ay nagkaroon ng pagtatalo ang mga hukom sa Bulacan at ang iba naman ay nagbigay ng kani-kanilang opinyon at ang iba naman ay sumasalungat sa pamamalakad ng nabanggit na hukom.

Nabatid pa sa ulat, habang nagpupulong ang mga hukom ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Judge Tamayo at Judge Casanova sa naturang isyu.

Dahil sa pagkapikon ni Judge Casanova ay sinuntok nito sa mukha si Judge Tamayo sa sinabing opinyon.

Kaagad naman napayapa ang dalawa ng ibang hukom na dumalo sa isinasagawang pulong ng mga hukom. (Ulat ni Efren Alcantara)

BULACAN

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT JUDGE ALEXANDER TAMAYO

DAHIL

EFREN ALCANTARA

EXECUTIVE JUDGE HERRERA

EXECUTIVE JUDGE OSCAR HERRERA

HUKOM

JUDGE

JUDGE CASANOVA

JUDGE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with